31 billion pesos, inilaan para mapalakas ang produksyon ng palay ngayong taon

Tiwala si Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan, na lalakas ang produksyon ng palay ngayong taon sa harap ng nararanasang tagtuyot.

Sabi ni Yamsuan, ito ay dahil halos 31-billion pesos sa ilalim ng 2024 national budget ang inilaan para suportahan ang palay producers kaugnay sa National Rice Program (NRP) ng Department of Agriculture (DA).

Tiniyak din ni Yamsuan, na makatatanggap ang mga maliliit na rice producers ng ayuda na mahigit sa ₱15 billion na mula sa koleksyon ng taripa sa imported na bigas noong 2023.


Binanggit din ni Yamsuan, na maliban sa NRP, ay makakakuha din ng pondo mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ang iba pang programa ng pamahalaan at mga magsasaka ng palay.

Ikinalugod din ni Yamsuan, ang pag-apruba ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa pagbibigay ng ₱5,000 sa mahigit 2 million magsasaka na nagsasaka sa 2 o mas mababa pang ektarya ng lupain.

Kaugnay nito ay isinulong din ni Yamsuan na magpatuloy ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga magsasaka sa pamamagitan ng kanyang inihain na House Bill 7963 o panukalang bubuo ng pondo para mabigyan sila ng pensyon.

Facebook Comments