31 celebrities na kasama sa drugs watchlist, isang ‘breakthrough’ ng gobyerno sa kampanya sa war on drugs

Maituturing na ‘breakthrough’ o napakahalagang development sa kampanya sa iligal na droga ng pamahalaan ang pagkakasama sa drugs watchlist ng 31 celebrities sa bansa.

Naniniwala si PBA Partylist Rep. Jericho Nograles na immediate effort ito ng gobyerno para maipaabot sa mga artista, judge, prosecutor at iba pang personalidad na iwasan na ang paggamit at pagtutulak ng iligal na droga.

Aniya, noon pa man ay marami nang artista ang nasasabit sa droga pero kadalasan ay idinadaan lamang sa tsismis o blind item.


Hindi dapat aniya magbulag-bulagan dito ang pamahalaan.

Suportado rin ni Nograles ang pagsasapubliko sa naturang listahan na para sa kanya ay hindi paglabag sa karapatang pantao dahil sa kakulangan ng ngipin ng batas at mahinang justice system.

Gayunman, aminado ang kongresista na mahihirapan ang mga awtoridad na isailalim sa drug testing ang mga artista lalo’t boluntaryo lamang ito hangga’t hindi sila nahuhuli sa akto.

Facebook Comments