31 indibidwal, patay kabilang ang 23 na bata sa mass shooting sa isang day-care center sa Thailand

377

Hindi bababa sa 31 indibidwal ang nasawi kabilang ang 23 na bata sa mass shooting sa isang day-care center sa Northeastern Thailand.

Ayon sa mga awtoridad, ang naturang suspek sa pamamaril ay isang dating pulis na sinibak sa trabaho dahil sa iligal na droga.

Matapos ang insidente ay pinatay rin ng suspek ang kaniyang pamilya bago nagpatiwakal.


Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Facebook Comments