Boboto ang 31,000 Persons Deprived of Liberty o DPL para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Lunes, October 30.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera na magkakaroon ng special polling precinct sa loob ng bilangguan.
Ayon kay Bustinera, sa kabuuang bilang na 31,000 mga botanteng PDL, 29,000 dito ay boboto sa ilalagay special polling precinct sa bilangguan.
Habang 1,900 naman na mga PDL ay boboto sa barangay o community precinct ng Commission on Elections (Comelec) sa Lunes.
Tiniyak naman ni Bustinera na nakahanda ang BJMP para matiyak ang kaligtasan ng mga PDL maging ng mga election officer na tutungo sa mga bilangguan para sa gagawing eleksyon.
Paliwanag pa ni Bustinera na ang 31,000 mga botanteng PDL ay ang mga registered voters simula pa noong 2022 elections habang ang iba naman ay mga bagong pasok sa kulungan na pinarehistro kamakailan.