31 katao, patay; 46 sugatan sa nangyaring bus tragedy sa Carranglan, Nueva Ecija

38

Manila, Philippines – Umabot na sa 31 ang patay habang 46 ang sugatan sa nangyaring bus tragedy sa Carranglan, Nueva Ecija.

Sa interview ng RMN kay Nueva Ecija Provincial Director, Sr/Supt. Antonio Yarra – sa kanilang inisyal na imbestigasyon, sumabog ang harapang gulong sa kanang bahagi ng bus kaya ito dumausdos pababa sa isandaang talampakang lalim na bangin.

Patuloy ding inaalam kung kabilang sa mga nasawi ang driver at kunduktor ng bus.

Pero ayon kay Yarra – sa pagtatanong nila sa mga pasaherong nakaligtas, maayos ang pagmamaneho ng driver.

Isa rin sa tinitingnang anggulo ay ang sobra-sobra o overloaded na ang mga pasahero.

Ipagpapatuloy ngayong araw ang search and rescue operations sa pinangyarihan ng insidente para malaman kung may naiwan pang mga pasahero.

Facebook Comments