
Tinututukuan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang aabot sa 31 klase ng mga pinagbabawal na paputok.
Ito ay ang :
Watusi
Lolo Thunder
Boga
Poppop
Atomic Triangle
Kwiton
Pla-pla
Mother Rockets
Hello Columbia
Piccolo
Goodbye Philippines
Tuna
Five Star
Goodbye Delima
GPH Nuclear
Giant Bawang
Goodbye Napoles
Special
Giant Whistle Bomb
Coke-in-Can
Atomic Bomb
Bin Laden
Large-size Judas Belt
Pillbox
Super Lolo
Kabasi
Goodbye Bading
Super Yolanda
Goodbye Chismosa
King Kong
Dart Bomb
Ayon kay PNP-Firearms and Explosive Office Chief Police Col. Rex Buyucan, maliban sa mga nabanggit, pinagbabawal din ang lahat ng mga overweight na paputok na tumitimbang ng higit sa 1/3 teaspoon o higit 0.2 gram.
Samantala, ang mga class 1,2, at 3 na paputok ay para sa general public at ang class 4 na paputok na may malaking aerial shells at may complex na multi-shot devices ay para lamang sa licensed pyrotechnicians at sa mga firework display operators lamang.
Habang pinagbabawal din ang mga paputok na may fuse na nasusunog ng hindi bababa ng 3 segundo at hindi rin sosobra ng anim na segundo.
Samantala, patuloy naman ang pakikipag-coordinate ng PNP sa Bureau of Customs (BOC), Bureau of Fire (BOF) at Department of Trade and Industry (DTI) at pinaiigting naman ng Anti-Cybercrime Group ang operasyon nito laban sa mga ilegal na nagbebenta ng paputok online.
Kaugnay nito, ang mga lalabag ay maaaring makulong ng 6 na buwan hanggang isang taon at may multa na hindi bababa sa 20 libong piso.










