Cauayan City, Isabela- Nakumpleto na ang 45-day Motorcycle Riding Course (MCRC) ng nasa 31 members ng Class 02-2021 R2 “Manlalakbay”.
Sa nasabing bilang, 24 ay mula sa Police Regional Office 2, apat (4) sa Highway Patrol Group (HPG) at tatlo (3) ang naka-assign sa Police Security and Protection Group (PSPG).
Mismong si PRO2 Regional Director PBGen. Steve Ludan ang nanguna sa seremonya kung saan ginawa ang Ceremonial Pinning of the Rider’s Badge sa mga police-riders.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Police Senior Master Sergeant Salvador Vergel Guzman, Over-all Class President sa kanilang mga mentor at mga kasamahan kung saan nadagdagan ang kanilang kaalaman ang kasanayan na maging isang responsable at disiplinadong motorcycle rider.
Samantala, hinimok ni RD Ludan sa kanyang mensahe ang mga tauhan na nagtapos sa riding course na gamitin sa pagganap ng kanilang tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas.
Gayunpaman, pinaalalahanan ni RD Ludan ang mga nagtapos na ang pinakamahalagang pag-aalala sa pagsakay sa motorsiklo ay ang kaligtasan.
Ang nasabing riding course ay pinangunahan ng Regional Highway Patrol Unit 2 (RHPU2) at Regional Special Training Unit 2 (RSTU2).