Hiniling ng Isang mambabatas na ireview ang naganap na deed of donation ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union sa 31 multi-purpose vehicles na para sa mga barangay ng Pugo at Caba.
Ayon sa mambabatas, dahil hindi direktang ibinigay ang mga nabanggit na sasakyan sa mga barangay council kundi sa isang non-government organization, nararapat lamang na muling bisitahin ang kondisyon sa nilagdaang memorandum ukol sa donasyon.
Kung susumahin, labing-apat na MPV ang inilaan sa bayan ng Pugo habang labing pito naman sa Caba na dapat ay natanggap na ng mga barangay para sa pagpapatrolya at paghahatid ng serbisyo sa kanilang nasasakupan.
Hiling ng mambabatas ang klarong talakayan ukol sa isyu dahil isa umano itong pagdadamot sa mga barangay na dapat ay inaalalayan ng Pamahalaang Panlalawigan upang makapagserbisyo nang nararapat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









