31 na volcanic earthquakes, naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Kanlaon

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang 31 na volcanic earthquakes sa Bulkang Kanlaon sa loob ng 24 oras.

Nakapagtala rin ito ng dalawang beses na pagbuga ng abo na tumagal ng 11 hanggang 39 minuto.

Nasa 4,121 na toneladang sulfur dioxide flux din ang ibinuga ng bulkan kahapon.


Ang plume naman ay nasa 100 metro ang taas kung saan ito ay walang patid na pagsingaw at may panaka-nakang pag-abo.

Ipinagbabawal pa rin ng PHIVOLCS ang paglapit ng mga aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

Pinaalalahanan din ng ahensya ang mga residente na maaring maganap ang biglaang pagsabog, pagbuga ng lava, at pag-ulan ng abo.

Matatandaang sumabog ang Bulkang Kanlaon nitong Lunes at kasalukuyan pa ring nakataas sa Alert Level 3.

Facebook Comments