Sa budget deliberations sa plenaryo ng Kamara ay inihayag ni House Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na nasa 31 porsiyento ng mga proyekto at programa na nakapaloob sa 2023 national budget ang popondohan mula sa loan o uutangin ng pamahalaan.
Ayon kay Co, sa susunod na taon ay inaasahang nasa ₱3.633 trillion ang kikitain ng national government na siyang pupuno sa 69% ng 5.268 trillion na proposed 2023 budget.
Dahil dyan ay sinabi ni Co na nasa P2.207 trilllion ang kailangang utangin ng gobyerno kung saan ang ₱553.5 billion ay manggagaling sa foreign creditors habang ang 1.653 trillion ay hihiramin domestically.
Dagdag pa ni Co, 95% ng inaasahang revenue o koleksyon ng gobyerno sa susunod na taon ay magmumula sa buwis habang ang 5% ay sa non-tax revenues at pagbebenta sa government assets.