31 Pinoy sa Kuwait, namatay sa COVID-19

Nasawi sa coronavirus disease ang 31 Pinoy sa Kuwait, kabilang ang apat na healthcare workers, ayon sa isang opisyal nitong Huwebes.

Batay kay Philippine Charge d’ Affaires Charleson Hermosura, nasa 300 Pinoy ang naiulat na tinamaan ng COVID-19, 260 sa kanila ang gumaling na.

Sinabi rin ng opisyal na nasa 23,000 ang bilang ng displaced Filipino workers sa nasabing bansa dulot ng pandemya.


Sa nasabing bilang, nakatanggap na umano ang 5,011 ng ayuda mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Nasa $200 ang inilalaang cash assistance ng DOLE sa mga kwalipikadong overseas Filipino workers.

Sa kabuuan, lagpas 8,900 na ang bilang ng Pinoy sa iba’t-ibang panig ng mundo na tinamaan ng COVID-19, ayon naman sa Department of Foreign Affairs.

Facebook Comments