31 sugatan sa banggaan ng dalawang tren ng LRT-2 kagabi

Umakyat na sa 31 ang sugatan makaraang bumangga ang isang tren ng LRT-2 sa isa pang tren sa pagitan ng Cubao at Anonas stations kagabi.

 

Kinumpirma ng pamunuan ng Light Rail Transport Authority (LRTA) ang nangyaring aksidente.

 

Paliwanag ni LRTA Administrator Reynaldo Berroya, nasa pocket track sa pagitan ng Anonas at Cubao stations ang sira o tinatawag na “dead train” nang bigla itong gumalaw saka bumangga sa isang bumabiyaheng tren na paparating naman sa lugar.


 

Sa lakas ng banggaan, ilang pasahero ang tumilapon at napaupo sa sahig.

 

Mabuti namang walang nabagsakan ng mga nahulog na debris ng tren sa kalsada.

 

Inako na ng pamunuan ng LRTA ang gastos sa pagpapagamot ng mga nasugatan.

 

Bumuo na rin ng fact-finding committee ang LRTA para alamin kung bakit gumalaw ang sirang tren mula sa pocket track.

 

Facebook Comments