31 Total Active Cases ng COVID-19, Naitala sa Lungsod ng Cauayan

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng isang (1) panibagong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.

Sa ibinahaging datos ng DOH 2 as of September 21, 2020, ang bagong nagpositibo ay si CV1491, babae, 48 taong gulang at residente ng Barangay District 2.

Siya ay may kasaysayan ng paglalakbay sa bayan ng San Manuel, Isabela matapos dumalo sa isang burol.


Ang nagpositibo ay nagkaroon ng exposure sa nagpostibong si CV1244.

Nakaranas si CV1491 ng paglalagnat at kinuhanan ng sample noong September 18, 2020 hanggang sa lumabas ang resulta na siya ay positibo sa Covid-19.

Siya ngayon ay nasa pangangalaga na ang pasyente sa quarantine facility ng lokal na pamahalaan.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 31 na active cases ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments