31,000 family food packs, naibigay na sa mga apektadong pamilya ng oil spill sa Bataan at Cavite

Naihatid na ang 5,000 family food packs sa mga pamilyang apektado ng oil spill sa Limay, Bataan.

Sa pulong balitaan sa Office of Civil Defense (OCD), sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Usec. Diana Rose Cajipe na sa ngayon ay dalawang lalawigan pa lamang ang humingi ng tulong sa ahensya.

Aniya, sa bahagi ng Cavite on-going na ang delivery ng 26,000 food packs sa mga apektadong residente sa mga bayan ng Bacoor, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon at Ternate.


Sinabi pa ni Cajipe na patuloy na naka-stand by ang DSWD para mag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.

Samantala, sinabi naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. na magiging “strategic” ang aksyon ng national government agencies sa pagtugon sa oil spill.

Sinabi naman ni OCD Region 3 Director Amador Corpus na sakaling may kailangang tulong sa mga lokalidad at hindi matugunan ay iaakyat ito sa national government.

Facebook Comments