31,800 na pasahero, naserbisyuhan ng MRT-3 sa unang araw ng ECQ

Photo Courtesy: DOTr MRT-3 Faceboook Page

Umabot sa kabuuang 31,800 ang bilang ng mga pasaherong naserbisyuhan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ngayong unang araw ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

19 na tren ang napapakinabangan ng mga commuters na kinabibilangan ng 18 CKD at isang Dalian trains kung saan may apat na minutong pagitan sa pagdating ng susunod na tren.

Ipinapatupad pa rin ang 30% na passenger capacity ng mga tren o katumbas na 124 na pasahero kada train car o 372 na pasahero kada train set.


Tiniyak din ng MRT-3 management ang ibayong pag-iingat tulad ng pagpapanatiling maayos at sapat ang ventilation sa mga tren, regular na pagsagawa ng disinfection at pagbabantay sa mga sumasakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19.

Facebook Comments