Nagsama-sama ang mga Church leaders at Civil Society Organizations upang himukin ang Philippine Financial Institutions na ihinto ang pagpondo sa ‘Coal Industry’.
Ayon sa Visayas Wide Church – CSO Empowerment for Environmental Sustainability o ECO-CONVERGENCE, ang pondo galing sa mga bangko sa bansa ay nagbibigay ng kapanyarihan lang sa ‘coal developers’ para patuloy na lasunin ang kalikasan sa bansa.
Apela ng taong simbahan sa publiko partikular ang mga depositors at shareholders ng mga local banks, tumulong sa pagputol sa life-blood o nagdudugtong-buhay sa mga coal power plants.
Sa ganitong paraan ay makakatulong ang publiko na mapapangalagaan ang kalikasan at ang pagbabago ng klima sa buong mundo.
Kabilang sa mga nanawagan ay sina Bishop Gerry Alminaza ng Diocese ng San Carlos, Father Edwin Gariguez, NASSA Executive Secretary / Caritas Philippines; Teody Navea ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) – Cebu at Gerry Arances, Executive Director ng The Center for Energy, Ecology and Development.