Tiwala si Senate President Juan Miguel Zubiri na mangingibabaw ang pagtutulungan at kooperasyon sa pagitan ng mga bansa sa Asia Pacific sa gitna na rin ng isinasagawang APPF na sinimulan ngayong araw.
Sinabi ni Zubiri na sentro ng forum ang pagbuo ng mga makabuluhang mga resolution para sa ikaangat ng ekonomiya ng lahat ng bansa matapos na rin ang mga pinagdaanang public health crisis tulad ng Severer Acute Respiratory System (SARS) epidemic at COVID-19 pandemic.
Bukod pa anya ito sa mga dumaang mga bagyo, tagtuyot at mga lindol na nalagpasan ng mga bansa sa Asia Pacific.
Ang nananaig anya sa aktibidad ngayon ay ang shared realities, shared values, at shared goals na pinalakas ng intergovernmental partnerships.
Sinabi ni Zubiri na ito ang ikalawang pagkakataon na nagsilbing host ang Pilipinas ng APPF na unang ginawa ng bansa noong 1994.