32 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa lungsod ng Taguig City

Nadagdagan na naman ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig.

Sa katunayan, kahapon pasado alas 9:00 ng gabi, nakapagtala ang Taguig City Health Department ng tatlumpu’t dalawang (32) mga bagong pasyente ng positibo sa virus.

Batay sa kanilang tala, ang bagong confirmed cases ng COVID-19 ay mula sa Bambang, Central Signal, Katuparan, Ligid Tipas, Lower Bicutan, New Lower Bicutan, South Signal, Upper Bicutan, Ususan at Western Bicutan.


Dahil dito, umakyat na sa 689 ang kabuuang bilang ng confirmed cases sa lungsod.

Mula sa nasabing bilang, 21 ang nasawi at 142 naman ang recoveries.

Simula January 27 hanggang kahapon June 22, 2020, meron ng 3,753 na suspected cases ng COVID-19 ang lungsod.

Facebook Comments