Umabot na sa kabuuang 21, 517 ang confirmed cases ang naitala sa lungsod ng Pasay City.
Ito ay matapos na madagdag ang 32 bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.
Batay ito sa ulat ng Pasay City Information Office, sa bilang ng COVID cases, 273 ang active cases.
Kaugnay nito, umabot na sa 20,710 (96.25%) na Pasayeños ang gumaling sa COVID-19 matapos na maitala ngayong araw na gumaling ang 28 new recoveries.
Sa pagtaas naman ng bilang ng mga COVID-19 active cases, patuloy na gumagawa ng mga paraan para agad mapigilan ang pagdami nito sa pamamagitan ng mas aktibong contact tracing, pagsasagawa ng mas maraming RT-PCR Testing, Isolation and Treatment at pagdedeklara ng mas maigting na community quarantine sa mga apektadong barangay.
Samantala sa pag-report naman ng COVID-19 cases, hinihikayat ng Pasay LGU ang kanilang mga residente na tumawag sa hotline number: (0956)7786524.