Nabigyan ng tulong pinansyal ang 32 dating persons deprived of liberty na residente ng Mangaldan.
Tinanggap ito ni Ptr. Abelardo A. Nuarin, Sr. mula Brgy. Bari at Volunteer Probation Assistant mula sa Dagupan City Parole and Probation Office (PPO).
Ang natanggap na financial assistance ay gagamitin bilang puhunan nang makapagsimula ng taniman ng pakwan na siya ring pagkakakitaan ng mga dating bilanggo.
Ayon kay Nuarin, Karamihan kasi sa mga bagong-labas sa kulungan ay nahihirapang makapag hanap ng trabaho at ang iba ay ayaw na ng pamilya nila kung kaya’t hirap ang mga ito na muling magsimula.
Sinisiguro naman nito na magiging mga responsableng mamamayan sa kani-kanilang mga komunidad ang mga dating bilanggo.
Umaasa si Ptr. Abelardo na sa pamamagitan ng nasabing programa ay makakapagbukas ito ng mga panibagong oportunidad para sa dating PDLs. | ifmnews
Facebook Comments