Aabot sa 32 miyembro ng hinihinalang private armed groups ang naaresto sa Laguna, ilang araw bago ang Eleksyon 2022.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia, iaanunsyo nila sa mga susunod na araw kung may kinalaman sa eleksyon ang mga aktibidad ng mga naaresto o kung may kaugnayan sila sa sinumang lokal na kandidato sa lalawigan.
Umaasa aniya sila na makasuhan ang mga ito gayundin ang nasa likod ng kanilang grupo.
Kasabay nito, pinuri naman ni Garcia ang mga arresting officers na siyang namahala sa mga operasyon laban sa nasabing grupo.
Nauna nang inilagay ng Philippine National Police (PNP) ang 105 bayan at 15 lungsod bilang election areas of concern na nasa ilalim ng red category.
Facebook Comments