32 police scalawags na naaresto ng CITF, handang ipadala sa Marawi City

Manila, Philippines – Susunod lamang ang pamunuan ng PNP Counter Intelligence Task Force sa ipag-uutos ni PNP Chief Director Gen. Ronald Dela Rosa.

Ito ay matapos ang naging unang pahayag ni Dela Rosa na nais nyang maipadala sa Marawi City ang mga naarestong police scalawags ng CITF.

Ayon kay CITF head Sr. Supt Chiquito malayo anumang order na inilabas ng nakatataas ay susunod lamang sila.


Una nang sinabi ni PNP Chief na nais nyang madagdagan ang mga pulis na tumutulong sa clearing at checkpoint operation sa Marawi City.

Sa ngayon aniya mayroon na silang 32 mga police scalawags na naaresto isa rito ay police officer.

Habang mayroon pang 3 police officers na nasampahan na nang kaso bagamat hindi pa naaaresto.

May mga ranggo itong Supt, Sr. Insp at Chief Insp.

Facebook Comments