Lalaking pumasok sa isang subdivision sa San Juan na may bitbit na granada, arestado

Agad na dinampot ng mga otoridad ang 18-anyos na si Ricky Ycon, walang trabaho at residente ng Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Alas kwatro ng madaling araw ng bigla na lang pumasok si Ycon sa La Salle Street gate ng North East Greenhills Subdivision.

Nang sitahin ng security guard ay agad itong kumaripas ng takbo pero na-korner ng mga nagpapatrulyang tauhan ng San Juan Police Station.


Nakumpiska mula kay Ycon ang isang backpack na naglalaman ng isang selyadong sachet ng shabu at isang fragmentation grenade.

Facebook Comments