323 HOTS sa nagpapatuloy na Mega Job Fair sa Pasig City

Umabot na sa 323 ang hire on the spot o HOTS sa nagpapatuloy na 4th Mega Job Fair ng lokal na pamahalaan ng Pasig City.

Ayon kay Public Employment Service Office (PESO) Manager Jelene Sison-Lopez, maari pang humabol ang mga aplikante dahil hanggang alas-kwatro pa ang Mega Job Fair sa Pasig City Sports Center.

Nasa 60 local at international companies at ilang government agencies tulad ng SSS, BIR, PAG-IBIG, PHILHEALTH ang kasalukuyang nakikiisa sa nasabing job fair.


 

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, humabol na baka ikaw na ang susunod na Pasigueno na magkaroon ng trabaho.

Kabilang sa mga kompanya na maari mong pasukan ay ang mga sumusunod; Unimart, SM Hypermarket, Landers, SM Appliance, Sterling Global Call Center Inc., Surplus, The Table Group Inc, Tom’s World, Top Asia Management Solution Inc., Universal Access and System Solutions Phil Inc,W & W Human Resource Specialist Corp., Watsons Personal Care Stores Phils Inc at World Class Laminate.

Facebook Comments