324 NA MGA ELIGIBLE CURRENT SCHOLARS NG DAGUPAN CITY, NATANGGAP NA ANG GRANT

Natanggap na kahapon, araw ng Martes, May 09, 2023, ang scholarship grant para sa karagdagang higit tatlong daan o 324 na kabuuang bilang na napabilang sa eligible current scholars ng Dagupan City.
Matatandaan na nasa higit isang libong kwalipikadong scholars ang nauna nang nakatanggap ng kanilang grant na nakalaan sa pantustos sa kanilang pag-aaral noon pang mga nakaraang buwan.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy sa pagdaan ng mga ipinasang dokumento sa masusing pagsusuri at pagproseso nang maituring itong pasok at nagcomply base sa itinakdang IRR ng old scholarship ordinance.

Nasa 20, 500 pesos naman ang kabuuang halaga na natanggap ng mga kwalipikadong Kabataang Dagupeño na napabilang sa scholarship program ng Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments