325 na Pulis sa Isabela, Na-promote!

505

Cauayan City, Isabela- Na-promote sa ranggo ang 325 na pulis ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) mula sa ranggong Police Corporal sa Police Executive Master Seargeant.

Ang Mass Oath-taking at pinning of ranks ay kasabay ng lingguhang flag raising ceremony na isinagawa sa IPPO ground.


Umaabot sa 90 Police Chief Master Sergeant, 39 Police Senior Master Sergeant, 70 Police Master Sergeant, 30 Police Corporal at 5 Patrolman/woman ang na-promote sa kanilang ranggo.

Sa naging talumpati naman ni PCOL Mariano Rodriguez, Provincial Director ng IPPO, kanyang hinikayat ang lahat na ipagpatuloy ang magandang nasimulan ng kapulisan sa pagbibigay serbisyo at paglilingkod sa publiko.

Facebook Comments