328 NA BILANG NG VARIANTS OF CONCERN SA ILOCOS REGION, NAITALA

29

Sumampa na sa 328 ang naitalang variants of concern sa Ilocos Region ayon sa Department of Health-Center for Health Development 1.

Sinabi ni Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD1 COVID-19 Focal Person, 99 dito ang bilang ng Alpha Variant, 79 sa Beta Variant, tatlo sa Theta Variant at ang Delta Variant na may pinakamaraming bilang na sumampa na sa 147.

Lahat ng mga pasyenteng tinamaan ng variants of concern sa rehiyon ay nakarekober na mula sa COVID-19.


Dagdag ni Bobis, nanatiling dominant ang delta variant sa rehiyon kaya naman mahalaga pa rin ang pagsunod sa minimum health protocols upang maiwasang makuha ang nakakahawang variant.###

Facebook Comments