
Inanunsiyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na aarangkada na ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga probinsiya sa Miyerkules, April 8.
Ito ay bilang tulong pa rin sa mga apektado ng walang prenong taas presyo sa petrolyo sa loob ng mahigit isang buwan.
Ayon sa DSWD, uunahing mabigyan ng cash relief ang mga pumapasada ng mga tricycle sa iba’t ibang lalawigan.
Nasa 328,000 na kwalipikadong tricycle drivers ang makikinabang sa tig-P5,000 ayuda.
Sabi ni DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao, posibleng madagdagan pa ang bilang ng benepisyaryo kapag nakumpleto na ang lahat ng report mula sa kanilang regional field offices.
Nakatakda namang ilabas ngayong araw ng Social Welfare Department ang listahan ng payout sites kada rehiyon.










