Manila, Philippines – Nakatakdang tumungo ng Singapore mamayang hapon si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa 32nd ASEAN Summit.
Mula sa Davao City International Airport, sasakay ang Pangulo sa eight-seater challenger private jet.
Nangako ang Pangulo na gagamit siya ng maliit na aircraft para makatipid sa gastusin.
Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Maria Helen De La Vega, dadaluhan ng Pangulo ang dalawang mahahalagang pulong: ang working dinner; at ang ASEAN leaders retreat.
Magkakaroon aniya ang bilateral talks ang Pangulo kay Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong na mangunguna sa summit ngayong taon.
Makikipagkita rin ang Pangulo sa Filipino community doon.
Nakatakdang umuwi ang Pangulo sa Davao City sa Sabado.
Facebook Comments