Ipinagdiwang ng Pangasinan Police Provincial Office ang kanilang 32nd PNP Ethics Day kahapon, na may temang, “Integridad at Disiplina, Pundasyon ng Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman, Tungo sa Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas.”
Sa kaganapan, inihayag ni Provincial Director PCOL. Arbel Mercullo ang patuloy na tungkulin ng pulisya upang mapanatili ang seguridad at kaligtasan sa lalawigan.
Binigyang-diin din ni Assistant Provincial Prosecutor Atty. Jeffrey J. Catungal na sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng pulisya sa kanilang tungkulin, patuloy itong sumusunod sa etikal na pamantayan ng propesyon.
Kasabay ng selebrasyon, binigyang pagkilala rin ang mga pulis na nagsagawa ng mga positibong gawain bukod sa kanilang pangunahing tungkulin bilang tagapangalaga ng kapayapaan sa lalawigan.










