Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo na 22 mga sundalo at anim na kanilang dependents, ang nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19.
141 naman na mga AFP personnel ay probable persons under investigation (PUIs), 111 dito ay military habang 4 ay dependents nila.
177 naman na mga AFP personnel ay suspected PUIs, 141 ay military at 21 ay dependents nila.
Pero mayroon nang 20 AFP personnel ang nakarekober na sa sakit na COVID-19.
Ang mga sundalo kasama ang mga pulis ang nakatalagang magbantay sa mga quarantine checkpoints at quarantine facilities.
Facebook Comments