33 Barangay mula sa 15 na Bayan sa Isabela, Apektado ng African Swine Fever

*Cauayan City, Isabela*- Umakyat na sa 33 barangay mula sa 15 bayan sa Isabela ang apektado na ng African Swine Fever kabilang sa naidagdag ang bayan ng San Guillermo matapos makapagtala ng 27 kaso ng ASF.

Ayon kay Provincial Veterinary Officer Angelo Naui, pumalo na sa kabuuang 1,830 ang mga baboy na ibinaon upang matiyak na hindi na makakahawa pa ito iba pang mga alagang baboy.

Nananatili pa rin na apektado ang mga bayan ng Quezon, Quirino, Aurora, San Manuel, Gamu, Cordon, Jones, Reina Mercedes, Echague, San Pablo, Luna, Mallig, Roxas at San Isidro.


Kaugnay nito, nakapagbigay na ng paunang tulong pinansyal ang provincial government sa mga bayan roxas, san manuel, gamu at roxas.

Hindi pa masiguro ng Provincial Veterinary Office ang pagkontrol sa nasabing sakit bagay na umaapela ito sa publiko na tulungan silang makakuha ng impormasyon sa mga posibleng apektado ng sakit.

Facebook Comments