33 botante sa isang presinto sa QC, matiyagang naghintay para sa personal na mailagay ang balota sa VCM

May mga umuwi matapos ang manual voting pero mayroon ding matiyagang naghintay para sila mismo maglagay ng balato sa vote counting machine (VCM) at tingnan ang resibo na ilalabas.

Kahapon nang magsimula ang botohan ay hindi gumana ang isa sa mga VCM sa Lagro Elementary School sa Quezon City dahil sa depektibong SD card.

Para sa mga pinili ang manual voting, ipapaubaya sa electoral board ang balota at sila ang maglalagay sa VCM ng balota kapag gumagana na.


Kanina ay 33 botante ang matiyagang naghintay at talagang pinili na sila ang magpapasok ng balota sa VCM.

Kabilang sa matiyagang naghintay ay isang senior citizen na kaninang alas-5:00 lamang nakaboto matapos maghintay simula pa kahapon.

Ang 33 botante na matiyagang naghintay ay nasa Lagro Elementary School na bago mag-alas-7:00 kagabi kaya’t pinayagan silang makaboto hanggang kaninang alas-5:00 ng umaga at ito ay walang labasan walang alisan para matuloy ang pagboto.

Samantala, alas-6:00 kahapon nang malamang sira ang SD card sa clustered 1 precinct 357 at alas-3:29 na ng umaga kinabukasan napalitan ng Commission on Elections (COMELEC) ang depektibong SD card.

Facebook Comments