33 Katao, Nahuli sa Liquor Ban; 6 na indibidwal naman sa paglabag Curfew Hour

202

*Cauayan City, Isabela-* Natimbog ang 40 katao sa magkakahiwalay na operasyon kahapon ng mga awtoridad sa kabila ng umiiral na Enhaced Community Quarantine sa buong Luzon.


Ayon sa ulat ni Regional Director PBGen. Angelito Casimiro, 39 na katao ang naaresto ng Cagayan Police Provincial Office habang nakapagtala ang Nueva Vizcaya Police Provincial Office ng isang naaresto.

Kabilang ang 33 katao na nahuli sa aktong umiinom ng nakalalasing na inumin; 6 naman ay nahuli sa ipinapatupad na curfew hour; 1 rin dito ang Patient under Monitoring matapos mahuli sa quarantine checkpoint.

Mahigpit naman ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na sumunod sa pinaiiral na community quarantine sa buong Luzon para maiwasan ang posibleng pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Facebook Comments