Manila, Philippines – Inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang malaking alokasyon para sa infrastructure funds sa Mindanao Region.
Ayon kay Committee on Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles, 33% ng kabuuang pondo ng DPWH ay mapupunta sa paggawa ng tulay, kalsada at iba pang imprastraktura sa rehiyon o 174.130 Billion na budget.
Sinabi ng kongresista na matagal ng panahon na naisasantabi at hindi nagiging patas sa hatian ng pondo para sa infra prohects sa Mindanao at patunay lamang sa inaprubahang pondo para dito ang commitment ng gobyerno na paunlarin ang rehiyon.
Aabot sa 643.252 Billion ang kabuuang budget ng DPWH kung saan ang malaking pondo na ito ay alinsunod na rin sa Build Build Build program ng Duterte administration.
Samantala, target naman ng Kongreso na magbigay ng 8 Trillion budget sa public works department hanggang 2022 bilang bahagi ng modernisasyon sa ilalim ng BBB program.