33 PNP personnel, nadagdagan sa bilang ng mga gumaling sa COVID -19

40

Bagama’t patuloy na nadadagdagan ang bilang mga positibo sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP), dumadami naman ang gumagaling matapos na maging infected ng virus.

Batay sa pinakahuling ulat ng PNP Health Service, may 33 mga naitalang bagong gumaling kahapon kaya umaabot na sa 5,666 ang recoveries sa hanay ng PNP.

62 COVID -19 cases naman ang nadagdag sa PNP kaya umaabot na sa 6,471 ang kabuuang bilang ng mga pulis na positibo sa COVID -19.

27 sa mga bagong naitalang kaso ay sa PNP Region 9, anim sa PNP Region 11, tig-lima sa National Capital Region Police Office (NCRPO), PNP Region 10, PNP CARAGA at PNP Cordillera, tatlo naman sa National Operation Support Unit, tig-dalawa sa National Administrative Support Unit at tig-iisa sa PNP Eastern Visayas at PNP BAR.

Nananatili naman sa 20 PNP personnel ang naitatalang namamatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments