33 sa kada isang daang sinusuri sa COVID-19 sa Cebu, nagpopositibo; Kaso ng virus sa Region 8, tumataas na rin

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 33 sa kada isang daang pasyente sa Cebu na sumasailalim sa COVID-19 test ay nagpopositibo.

Ito ay kung ikukumpara sa Metro Manila na pito lamang mula sa 100 kataong sinusuri sa COVID ang nagpopositibo.

Ayon sa DOH, nangangahulugan ito na mabilis pa rin ang hawaan ng virus sa mga komunidad sa Cebu.


Kinumpirma rin ng DOH na tumataas na rin ang kaso ng COVID-19 sa Region 8 at iba pang mga lugar.

Bunga nito, sinabi ng DOH na mahalaga pa rin ang pagsusuot ng face mask dahil 85% na hindi magkakaroon ng COVID ang nagsusuout ng face mask habang 80% naman na hindi mahahawaan ang tao kapag pinapairal ang social distancing.

Sa kabila nito, nanindigan ang DOH na sapat ang medical supplies at equipments nila para tugunan ang mga kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang lugar.

Idinagdag ng DOH na sa ngayon ay nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamalaking kaso ng COVID, sumunod ang Region 7, Region 4-A, Region 3 at Region 8.

Marami rin anilang repatriates Pinoy workers ang nagpositibo sa virus.

Facebook Comments