Testimonya ng mga indibidwal na may intellectual disability, maaaring tanggapin sa korte – Supreme Court

PHOTO: Jairus Peñaflorida

Nilinaw ng Korte Suprema na maaari pa ring tanggapin sa hukuman ang testimonya ng mga taong may intellectual disability.

Ayon sa Supreme Court (SC), dedepende ito sa kakayanan ng isang indibidwal na tumestigo batay sa kapasidad na makapagpahayag ng kanilang nalalaman.

Ibig sabihin, kung malinaw naman anila at naiintindihan ang testimonya o salaysay ay maaari itong tanggapin ng korte.


Sinabi ito ng SC matapos hatulan ang dalawang lalaki na guilty sa pagpaslang sa isang 12 anyos na babae kung saan tumayong testigo ang isang may intellectual disability.

Tinanggap ng korte ang kaniyang mga testimonya dahil naging consistent at maayos ang paglalahad nito ng mga pangyayari laban sa mga inaakusahan ng krimen.

Batay sa mga nakalap na ebidensiya, lumalabas na may elements of murder na nabuo ang prosekusyon sa kaso.

Facebook Comments