
Naging sentro ng aksyon ang Dagupan City matapos magsimula ang 2026 swimming season sa pamamagitan ng ABC Long Course – Leg 1, kung saan 330 swimmers mula sa Region I, Region III, at Cordillera Administrative Region ang nagtagisan ng husay.
Dinagsa ng mga atleta ang swimming venue sa lungsod habang ipinamalas ang kanilang bilis, husay, at disiplina sa iba’t ibang kategorya ng kompetisyon bilang bahagi ng unang yugto ng torneo.
Pinangunahan ang aktibidad bilang pagbubukas ng opisyal na swimming calendar ngayong taon, na layong higit pang paunlarin ang kakayahan ng mga swimmer at maihanda sila sa mas malalaking paligsahan sa hinaharap.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang mga organizer sa pamahalaang lungsod ng Dagupan sa maayos na pagho-host ng torneo, gayundin sa patuloy na suporta sa pagpapaunlad ng sports at mga atleta sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










