332 dayuhang ilegal na nagtatrabaho sa bansa, arestado ng NBI at Bureau of Immigration

Aabot sa 332 illegal aliens na nagtatrabaho sa bansa na walang kaukulang visa ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) sa magkakahiwalay na lugar.

Kabilang sa mga naaresto ang 323 Chinese nationals, walong Malaysian nationals, at isang Indonesian.

Ayon sa mga otoridad, sila ay sangkot sa online gambling, internet fraud, at cybercrime operations.


Ang naturang mga dayuhan ay nahaharap sa deportation dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.

Ang 332 aliens ay nasa custody na ng NBI.

Facebook Comments