332 pasyenteng may COVID-19, nakikilahok sa Solidarity Trial ng WHO ayon sa DOST

Umabot na sa tatlong daan at tatlungpu’t dalawa (332) pasyenteng tinamaan ng COVID-19 ang nakilahok sa Global Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO).

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, ang mga nasabing pasyente ay kasalukuyang naka-confine sa 21 ospital na bahagi ng 24 na ospital na inaprubahang sumali sa clinical trials.

Aniya, ang DOST ang nagpopondo sa clinical trials sa bansa na nagkakahalaga sa ₱29.99 million.


Sa ilalim ng trial, hahatiin ang mga pasyente sa limang grupo, kung saan ang ilan ay hindi bibigyan ng gamot na nasa listahan ng WHO, ang iba ay bibigyan ng remdesivir, ang ilan naman ay bibigyan ng chloroquine.

May ibang pasyente rin ang bibigyan ng lopinavir-ritonavir at ang iba naman ay bibigyan ng interferon.

Nabatid na target ng WHO na naisalang sa Solidarity Trial ang nasa 5,000 pasyente sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Facebook Comments