77 empleyado at pasyente ng NCMH, nag-positibo sa COVID-19

Umabot na sa 77 empleyado at pasyente ng National Center for Mental Health (NCMH) ang nag-positibo sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 62 ang empleyadong tinamaan ng sakit kung saan may lima nang gumaling habang 15 ang psychiatric patient at isa ang recovery.

Kasabay nito, nilinaw ni NCMH Chief Dr. Roland Cortez na wala silang itinatagong impormasyon sa NCMH.


Aniya, sumusunod lang sila sa utos ng Department of Health (DOH) na mag-sumite muna ng datos sa ahensya hinggil sa bilang ng COVID-19 cases para maiwasan ang pagkalito at pagkaalarma ng mga tao.

Samantala, hinikayat ni Cortez ang mga nakararanas ng stress o depression sa gitna ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na komunsulta sa pamamagitan ng kanilang “usap-usap program”.

Maaaring tumawag sa kanilang hotline na 989-usap (8727) o sa 0917-899-usap (8727).

Facebook Comments