Umabot na sa 7,579 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH); 285 ang nadagdag sa bilang ng nasawi ngayong araw.
Habang umakyat na sa 501 ang nasawi dahil sa COVID-19.
Gayunman, nakapagtala ang DOH ng 70 new recoveries kaya aabot na sa 862 ang kabuuang bilang ng gumaling sa sakit.
Noong Biyernes, nasa 72,794 na naisailalim sa COVID-19 test kung saan 87.6% nito ang nag-negatibo sa virus.
Labinwalong (18) laboratoryo naman sa bansa ang nabigyan na ng accreditation para magsagawa ng independent testing.
Facebook Comments