34-anyosna tattoo artist, arestado sa buy-bust operation

Malay, Aklan – Arestado ang isang 34-anyos na tattoo artist sa isinagawang drug buy-bust operation kaninang umaga sa Sitio Bantud, Brgy. Manocmanoc, Boracay Island, Malay, Aklan.
Inaresto ng mga taga Malay PNP, Maritime Police at 2nd Aklan PMFC si Renato, Banania, tubong Muntinlupa City at kasalukuyang nangungupahan sa Sitio Ambulong sa nasabing isla matapos na mabilhan ng dalawang plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu kapalit ng P 1,109.00 na buy-bust money.
Samantala, sa isinagawang body search ng mga kapulisan ay nakuha pa sa posisyon ng suspek ang apat na plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.
Bago pa man nahuli ang suspek ay matagal ng minomonitor ng mga otoridad ang mga atibidad nito.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Malay PNP si Banania at mahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments