34 barangays sa Manila, nabigong magsumite ng listahan ng SAP beneficiaries

34 barangays sa Maynila ang hindi nagsumite ng listahan ng beneficiaries ng Special Amelioration Program (SAP).

Ito ay mula sa kabuuang 896 na mga barangay sa lungsod.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, ang naturang mga barangay ay hindi nakipagtulungan sa kanilang mga ka-barangay para mabigyan ang mga ito ng ayuda.


Sa nasabing lungsod, 380,000 na mga pamilya naman ang natukoy na makakatanggap ng P4,000 SAP.

Mas pinili naman ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na cash ang ipamahagi, sa halip na groceries.

Facebook Comments