Inihayag ni Coast Guard Admiral Leopoldo Laroya ng Philippine Coast Guard (PCG) na 34 na mga frontline personnel nito ay nagpositibo sa COVID-19 matapos ang non-stop operation nila noong panahon ng holiday season.
Kung saan 32 sa kanila ay naka-assign sa Task Force Kalinga na namamahala sa ginagawang relief good transportation papunta sa mga lugar na apektad ng Bagyong Odette.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Laroya na hindi maaapektuhan ang kanilang ginagawang relief operation sa mga probinsya ng Mindanao at Bisayas.
Kahit aniya na muling tumaas ang kaso ng COVID-19 cases sa bansa at pagkakaroon ng Omicron variant, ang pinakabagong variant ng nasabing sakit.
Tiniyak din niya na naka-isolate na ang lahat na COVID-19 positive personnel ng PCG upang agad na mabigyan tulong medikal para sa kanilang agarang paggaling.
Agad din naman aniya na pinalitan ng bagong batch ng frontline personnel upang hindi maantala ang nagpapatuloy na operasyon ng PCG.