34 na escalator ng MRT-3, mapapakinabangan na

18

Fully operational na ang 34 sa 46 escalator unit ng Manila Metro Rail Transit System Line 3.

Sa isang kalatas ng MRT-3 management, sinabi nito na natapos na ng Sumitomo-MHI-TESP ang pagkumpuni sa dalawang escalator units sa istasyon ng Boni (Southbound) at Ayala (Southbound).


Dahil dito, napapakinabangan ng publiko ang lahat ng 34 elevators ng MRT-3.

Ang pagsasaayos ng escalators at elevators ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon ng MRT-3.

Layon ng bagong maintenance provider na gawing operational ang lahat ng units ngayong taon.

Ilang buwang nang mas maaga sa orihinal na target date ng rehabilitasyon ng escalators at elevators.

Facebook Comments

From Advertisers