34 na milyong halaga ng shabu nakuha sa tatlong drug suspek sa Tawi-Tawi

579

Nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Marines , PDEA at Philippine National Police ang 34 na milyong halaga ng shabu sa kanilang isinagawang operasyon sa barangay Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi kaninang umaga.

 

Sa ulat ni AFP Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas alas8:30 ng umaga kanina nang isagawa ng operasyon.


 

Kung saan nakuha ang limang kilo ng shabu na may estimated market value na 34 milyong piso.

 

Nakuha ito sa  mga drug suspek na sina Haberson Jaafar, Elmer Jamadin, at Adzfar Asali na ngayon ay nakakulong na at nahaharap sa kasong  paglabag sa sections 5 and 11, ng Article II ng Republic Act 9165.

Facebook Comments

From Advertisers