34 Patient-Under-Investigation sa Region 2, Nagnegatibo sa resulta ng COVID-19

*Cauayan City, Isabela*-Umabot na sa 34 Patients Under Investigation (PUI) ang nagnegatibo sa sakit na Coronavirus disease (covid-19) habang isa nalang ang hinihintay na resulta ng laboratoryo sa Region 2.

Batay sa pinakahuling datos ng DOH-RO2, umabot sa 35 na PUIs ng Covid-19 sa Cagayan Valley mula Enero 31,2020 hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay Pauline Atal Department of Health Region 2, inoobserbahan nalang ang isang ginang mula sa Ballesteros, Cagayan matapos umuwi ng Pilipinas nitong Pebrero 9 mula sa bansang Hongkong.


Muling nagpaalala si Atal sa publiko na panatilin ang kalinisan sa katawan at kumain ng masusustansiyang pagkain para makaiwas sa anumang uri ng sakit.

Facebook Comments