Cauayan City, Isabela- Tumanggap ng Livelihood Settlement Grant (LSG) ang nasa kabuaang 34 na Former Rebels mula sa mga bayan ng Rizal, Lasam at Sto. Niño, Cagayan sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field office 2.
Pinangunahan ito ni OIC-Assistant Regional Director for Operations Lucia Alan katuwang ang ilan pang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Interior and Local Government, Philippine Information Agency, Philippine Army, Philippine National Police at Local Government Units ng Rizal at Sto. Niño.
Ayon kay Melisen Taquiqui, Information Officer ng SLP, ipinagkaloob sa nasabing bilang ng mga returnee ang halagang P20,000 bawat isa na umabot sa P680,000 ang kabuuang naipamahagi para sa pagsisimula ng kanilang pangkabuhayan.
Aniya, target ng ahensya na mabigyan ang nasa kabuuang 111 beneficiaries na kinabibilangan ng 42 sa Cagayan, 39 sa Isabela, 22 sa Nueva Vizcaya habang 8 sa Quirino.
Batay sa datos ng ahensya, may inisyal ng 42 ang nabigyan ng tulong pinansyal mula sa Cagayan at Quirino habang isinasaayos na ang gagawing pamamahagi sa iba pang lalawigan.
Sinabi pa ni Taquiqui, karamihan sa mga benepisyaryo ay nakipagsapalaran sa pag-aalaga ng mga baka at Sari-sari store ang iba.